UNITY IN ACTION, LIVELIHOOD FOR ALL
Patuloy na pinalalakas ng BIGKIS Inc. ang bawat lokal na samahan sa pamamagitan ng rollout at visitation sa Cardona, Rizal Chapter.
Pinangunahan nina BIGKIS President Rex Moran Loba at Founding Chairman Joy Buendicho ang pagbisita upang personal na makausap ang mga miyembro, masubaybayan ang kalagayan ng chapter, at maibahagi ang mga programa at adhikain ng BIGKIS Inc. para sa kapakinabangan ng bawat komunidad.
Ang aktibidad na ito ay naging pagkakataon upang higit pang mapatatag ang samahan, mapalawak ang kaalaman ng mga miyembro, at mapagtibay ang pagkakaisa sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kabuhayan, serbisyo, at pag-unlad.
Sa BIGKIS Inc., naniniwala tayo na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa sama-samang pagkilos at aktibong pakikilahok ng bawat miyembro.
💙 Patuloy tayong magkaisa, makiisa, at makibIGKIS para sa mas matatag at mas maunlad na kinabukasan.



